Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bacolod

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2020 11:56 PM

Isang barangay kagawad sa Bacolod City ang patay matapos barilin sa bahay ng kaibigan nitong Sabado. Martian Muyco, ABS-CBN News

Patay ang isang barangay kagawad matapos barilin sa compound ng bahay ng kanyang kaibigang na isa ring kagawad sa Barangay 26 sa Bacolod City Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Romeo Canlas, barangay kagawad ng Barangay 2 sa lungsod.

Ayon sa pulisya, umiinom ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang bigla na lang dumating ang ilang mga armadong lalaki at agad na pinagbabaril si Canlas.

Ayon naman sa mga testigo, apat na tao umano na naka-bonnet ang pumasok sa bahay at matapos nito ay nakarinig na lang sila ng sunud-sunod na mga putok.

Agad umanong tumakas sakay sa puting SUV ang mga salarin.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang biktima pero namatay din ito.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.