Lalaking sangkot sa iba't ibang kaso sa Pampanga, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2020 01:54 AM | Updated as of Jan 10 2020 09:12 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

PAMPANGA - Arestado ang isang 51 anyos na lalaking sangkot sa iba’t ibang kaso matapos makuhanan ng 3 sachet ng hinihinalang droga sa isang buy-bust operation Miyerkoles sa Barangay Cabalantian, Bacolor, Pampanga.

Ayon kay Police Maj. Louie Gonzaga ng Bacolor Municipal Police Station, may mga kaso pa ng carjacking, robbery, theft at extortion activities ang suspek sa taong 2019.

Bukod pa rito, nasangkot din ang suspek sa iba pang mabibigat na krimen sa Bacolor, Pampanga noong 2006 at iba pang karatig bayan simula pa noong 2008, ayon kay Police Col. Jean Fajardo ng Pampanga Police Provincial Office.

Handa naman na ang suspek na pagdusahan ang mga kasong kinsangkutan. "Mabigat ang mawalan ng pamilya. Nawala na ang lahat sa akin eh...even my 2 kids,” aniya.

“Magbabagong buhay na ako sa loob, pero ayoko nang lumabas...ayoko na! Hindi naman ako napagod sa crime, napagod ako sa kakahanap ng love,” dagdag pa niya. -Ulat ni Gracie Razon Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.