Lalaki timbog sa ilegal na pagbebenta ng mga lamang-dagat

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2019 10:44 PM

MAYNILA - Arestado ang isang lalaking sangkot umano sa ilegal na large-scale na pagbebenta ng corals, exotic na isda, at iba pang lamang-dagat sa Parañaque City nitong Huwebes ng umaga.

Ibinibenta umano ang mga lamang-dagat online, kung saan nakararating pa ang mga ito sa ibang bansa, ayon kay Atty. Czar Eric Nuqui, hepe ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division.

Inaangkat daw ng suspek ang mga lamang-dagat mula pa sa iba't ibang lugar sa buong bansa, kabilang na sa mga probinsiya ng Quezon at Bohol.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Fisheries Code, habang itu-turn over sa pangangalaga ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga nasamsam na lamang-dagat. 

Plano nilang ibalik ang mga ito sa mga natural nilang marine habitat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.