Ano ang katuwiran ng gobyerno sa clearing ops vs vendors?

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2020 01:17 PM | Updated as of Jan 08 2020 01:32 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA -Kaugnay ng paparating na Traslacion, iniutos ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Manila Mayor Isko Moreno na tanggalin ang mga vendor sa paligid ng kalsada para maging maayos ang daloy ng prusisyon. 

Ayon sa abogadong si Claire Castro, pinanghahawakan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang "police power" na ipinagkaloob sa lokal na pamahalaan para itaguyod ang kalinisan at kaayusan sa lugar. 

"May police power ang government, at ang police power na ito nade-delegate sa local (government). In other words, ang local governments maaari nilang pairalin ito para ma-maintain ang peace and order sa kanilang siyudad," ani Castro sa programang "Usapang de Campanilla.

"So kung sa word illegal vendor, sa illegal pa lang, hindi na tama 'yung pagposition." 

Pero para kay "Usapang de Campanilla" host Mare Yao, maaaring mabawasan ang mga illegal vendor kung mabibigyan ng amnestiya ang mga dati nang kumuha ng permit sa pamahalaan. 

Paliwanag niya, posibleng kulang ang kaalaman ng mga ito sa pag-asikaso ng dokumento, na nagresulta sa patong-patong na multa na hindi umano nila mabayaran. 

"Paano ka kukuha ng business permit eh may record ka? Alam naman natin ang mayayaman hindi naman ho kailangan sabihan dahil may mga accountant iyan. Paano 'yong mga maliit na negosyante? Tayo na nakapag-aral [alam] pero itong mga ganitong teknikalidad hindi nila alam," ani Yao. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.