Lalaki nagnakaw ng sapatos na may P57,000 halaga sa Davao

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 11:21 PM | Updated as of Jan 05 2020 06:06 PM

Watch more in iWantTFC

DAVAO CITY—Isang lalaki ang nagnakaw ng ilang sapatos sa isang bahay sa lungsod na ito Biyernes, kabilang ang isang pares na may halagang P57,000.

Sapul sa CCTV ang pagpasok ng magnanakaw sa bahay sa Barangay Sasa.

Watch more in iWantTFC

Hindi makita sa CCTV kung ano ang mga nanakaw, pero pag-alis ng kawatan may laman na ang eco bag nito.

Ayon kay Jay-ar Lumaad, bayaw ng may-ari ng bahay, paggising ng may-ari ng bahay, nawala na ang limang sapatos na hinihinalang tinangay ng magnanakaw.

Napag-alamang umakyat sa gilid na pader ang magnanakaw at ginawa ang krimen habang maulan ang panahon.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente, habang pinaghahahanap ang salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.