7 patay sa salpukan ng jeep at trak sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2020 12:47 AM | Updated as of Jan 02 2020 06:44 PM

Emergency and Disaster Management Unit DPMMH

LUBAO, Pampanga — Patay ang 7 katao sa salpukan ng pampasaherong jeep at trak nitong lungsod Miyerkoles ng gabi.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, unang nabangga ang jeep nang biglang tumawid ang isang pickup sa Abad Santos Ave., Barangay San Agustin alas-6 ng gabi.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nawalan ng kontrol ang drayber ng jeep at natumba ang sasakyan sa kabilang lane. Nabangga naman ito ng paparating na dropside truck.

Patungo sa bayan ng San Fernando ang jeep na may 22 pasahero. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. — Ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.