Magpinsan nalunod sa family outing sa Negros Oriental ngayong Bagong Taon

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2020 09:53 PM

Nico Delfin, ABS-CBN News

STA. CATALINA, Negros Oriental — Humantong sa trahedya ang isang family outing matapos malunod ang magpinsan ngayong Bagong Taon.

Nasawi ang 21 anyos na babae at pinsan niyang 16 anyos na lalaki, ayon sa mga pulis.

Nasagip naman ang 2 pa nilang pinsan na pawang 18 anyos at ngayo'y nagpapagaling sa pagamutan.

Ayon sa Sta. Catalina Police, nagkayayaang maligo ang mga biktima sa isang beach resort sa Barangay Poblacion. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. — Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.