Lalaki, naputulan ng kamay matapos masabugan ng ‘Goodbye Philippines’

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2020 08:22 AM | Updated as of Jan 01 2020 07:25 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA – Naputulan ng kamay ang isang lalaki matapos na masabugan ng ipinagbabawal na paputok na “Goodbye Philippines” sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Wala halos natirang buto at laman para maibalik sa dati ang itsura ng kamay ng biktima, ayon kay Dr. Bernard Adajar, orthopedic surgeon ng Jose Reyes Medical Center. 

Sa kuwento ng lalaki sa doktor, inutusan siyang alisin ang paputok pero nahatak niya ang mitsa kaya pumutok ito sa kaniyang kamay kahit hindi pa nakasindi.

Nasa recovery room na ang lalaki para pahupain muna ang epekto ng pampamanhid na ginamit. Bibigyan din siya ng mga antibiotic at ililipat sa ward. 

Umabot na sa 27 ang naitalang biktima ng paputok sa Jose Reyes Medical Center mula Disyembre 21.
 
Mahigit kalahati o 13 sa mga ito ay dinala sa ospital pagkatapos ng hatinggabi ngayong New Year. 

Nasa 17 naman ang mga menor de edad na marami ay naputukan sa mata ng lusis at pinauwi rin matapos gamutin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.