Perya, bazaar tampok na Christmas 'gimik spot' sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2019 02:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Tampok ngayon sa siyudad ng Marikina ang "Christmassaya Bazaar and Carnival" na maaaring gawing 'gimikan' ng mga bata at matanda. 

Makikita rito ang ilang bazaar kung saan maaaring maghabol ng last-minute shopping. 

May "Christmas Wonderland" din kung saan may mga replika ng mga iconic international tourist spots gaya ng Eiffel Tower. 

Bida rin dito ang isang perya, na may mga atraksiyong akma sa iba't ibang edad. 

May caterpillar ride at ferris wheel para sa mga matatanda. 

Mayroon ding "viking ride" at horror house para sa mga matatanda. 

Magtatagal hanggang Enero 15, 2020 ang "Christmassaya Bazaar and Carnival."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.