TINGNAN: Gawa ng Pinoy designers na bumida sa Miss Universe prelims

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2018 09:23 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naging maingay at masaya ang pag-arangkada ng preliminary competition ng Miss Universe 2018 sa Impact Arena sa Thailand noong Huwebes.

Hindi nagpahuli ang Miss Universe-Philippines contestant na si Catriona Gray, na nagpasiklab ng kaniyang "slo-mo" twirl sa swimsuit competition.

Patok din ang Ibong Adarna-inspired gown na gawa ni Mak Tumang para kay Gray sa evening gown portion, kung saan "hand-placed" pa ang crystals na ginamit para sa kasuotan.

Watch more in iWant or TFC.tv

Bumida rin ang ilang Pinoy designers sa kanilang mga gown na dinisenyo di lang para kay Gray kundi para rin sa ibang mga kandidata.

Si Jian Lasala ang gumawa ng nude-based tulle gown with white and silver rhinestones ni Miss Kenya Wabaya Karyuki.

“When I offered the gown for Kenya she really did not hesitate to give me the project. She believes so much in Filipino talent and craftsmanship.”

Suot naman ni Miss Cambodia ang red halter gown with swarovski crystals and beads na gawa ni Filipino designer Rian Fernandez.

Disenyo ni Dubai-based Filipino designer Michael Cinco ang suot ni Miss Canada.

Si Mark Bumgarner naman ang gumawa ng evening gown ni Miss Ecuador, habang si Paolo Blanco ang gumawa ng yellow gown ni Miss Universe Guam Athena Su McNinch.

Suot naman ni New Zealand candidate Estelle Curd ang gown ni Sidney Eculla; habang disenyo naman ni Kristen Regalado ang suot ni Mauritius candidate Varsha Ragoobarsing.

Suot ni Miss Universe Japan Yuumi Kato ang disenyo ni Joel Escober; habang si Bea Bianca Mackey ang gumawa ng gown ni Miss Universe Nepal Manita Devkota.

Si Ivanka Borja Hipolito ang dumisenyo ng gown ni Miss Universe Malta Francesca Mifsud, habang si Benj Laguiab naman ang gumawa ng gown ni Miss Universe Nicaragua Adriana Paniagua.

-- Ulat nina MJ Felipe at Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.