Gazini ibinahagi ang kaniyang Miss Universe game plan sa bisperas ng finals

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 06:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Isang tulog na lang ay malalaman na kung sino ang kokoronahang Miss Universe 2019, sa finals na gaganapin sa Atlanta, Georgia.

Higit 90 kandidata ang magtatagisan para maisuot ang bagong P250-milyong "Power of Unity" crown ng Miss Universe, kabilang na ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados.

Susubukan ni Ganados na makuha ang titulo mula kay Miss Universe 2018 Catrinona Gray, at ang makamit ang pambihirang back-to-back victory para sa bansa.

Nasa Amerika na ngayon ang buong "Team Gazini" na kinabibilangan ng kaniyang pamilya at mentors.

Pinagnilayan nila ang naging performance ni Ganados sa preliminary rounds at mula doon ay gagawa sila ng hakbang para masiguro ang panalo ng Pinay.

"We had breakfast this morning. Sabi ko a little more energy, push pa sa finals," ani Rodgil Flores, pinuno ng Kagandahang Flores (KF), ang beauty camp na pinagmulan ni Ganados.

"Sabi ko ang ganda na i-maintain na lang and then ipasa-Diyos... Para sa akin ang competition niya sa top 3 ay Puerto Rico and Colombia," sabi naman ni Jonas Borces na mula rin sa KF.

"Iyong look niya will be much better pa sa finals... Abangan niyo, her gown will be super wow," ani Oli Sara, stylist ni Ganados.

PASABOG SA FINALS

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dyan Castillejo (@dyancastillejo) on

Nakapanayam ng ABS-CBN News si Ganados at sinabi nitong masaya siyang nairaos ang prelims, na siyang magdidikta kung sino ang papasok sa semifinals.

"Super saya kasi prelims are done and now off to the finals."

Pag-amin ni Ganados, nagpalit daw siya ng diskarte sa swimsuit competition dahil sa dami ng candidates na nadapa sa stage.

"Swimsuit was very tough I have to tell you that. Everyone was tripping over so I made sure I would not trip so I made it slow, instead of walking fast. I made it elegant and slow to make sure I won't slip. Slowly but surely," sabi ng Cebuana beauty.

Sabi ni Ganados, kaabang-abang ang kaniyang susuoting finals gown na gawa pa rin ng Cebu-based couturier na si Cary Santiago.

"I will have another one in the finals so stay tune for it... I will be more energetic."

Nagpasalamat din si Ganados sa suporta ng Pinoy fans. Aniya, gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para maiuwi ang korona.

"Salamat sa suporta. To all my kakababayans, Cebuana, daghang salamat. Let's all continue to pray, laban lang," aniya.

Sa Lunes, simula alas-8 ng umaga, ay mapapanood ng live sa ABS-CBN ang coronation ng tatanghaling Miss Universe 2019.

—Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.