Catriona Gray, nagpasalamat na bilang Miss Universe

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 12:23 PM

MAYNILA -- Isang araw bago ang kaniyang pagpapasa ng korona, pinasalamatan ng 2018 Miss Universe na si Catriona Gray ang naging suporta ng Pilipinas sa kaniyang naging laban.

Sa isang retrato sa Instagram, idinaan ni Catriona ang kanyang mensahe para sa mga kababayang Pilipino na buong puso ang naging suporta sa kaniyang reign bilang Miss Universe.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray) on

"My last night as reigning Miss Universe and my emotions are all over the place. But underneath the noise, the underlying tone is gratitude. Gratitude for this amazing opportunity... for all of you amazing souls who have endlessly supported me and joined me on this journey," pahayag ng reiging Miss Universe sa post.

Matatandaan na sa isang panayam, sinabi ni Catriona na bukod sa pagpapatuloy ng kaniyang mga abdokasiya, nais rin niyang ipagpatuloy ang kanyang hilig sa musika.

"I do have a passion for music," aniya sa panayam. "I also want to continue being a spokesperson and to work with the causes that are dear to my heart because it’s really what fulfills me as an individual… You’re definitely going to see me doing these things. Please continue to support me."

Mapapanood ang Live telecast ng 2019 Miss Universe ngayong Disyembre 9 dito sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.