Ina mula sa Japan, nagwagi sa beauty pageant sa 'UKG'

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 12:41 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Ilang araw bago ang Miss Universe pageant, isang ina mula Japan ang kinoronahan bilang Nanay Kong Kay Ganda 2019 ng "Umagang Kay Ganda."

Nagwagi si Arlyn Yamanaka sa pageant nitong Biyernes matapos makakuha ng 92.25% na iskor mula sa mga hurado.

Ang ina namang si Arvhie Francisco ang first runner-up sa ginanap na kompetisyon.

Second runner-up si Trecia Solis mula sa Mindanao, third runner-up si Luzviminda Beato mula sa NCR, at fourth runner-up si Crescia Pelias ng Visayas.

Sa Q and A portion, hinangaan ang naging sagot ni Yamanaka sa tanong na: "Bakit mahalaga ang role ng nanay sa isang pamilya?"

"Bilang ina, siya po ay isang magician. Ginawa niyang [posible] ang imposible. Ang umaga ay ginagawa niyang gabi. Ginagawa niya ang pagkatatay kahit siya ay nanay. Siya ang ilaw ng tahanan na nagbibigay-liwanag sa kanyang pamilya. Siya ang ilaw na hindi napupundi," sagot ni Yamanaka.
 
Maliban sa P20,000, napanalunan din ni Yamanaka ang isang bagong bahay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.