Gazini Ganados, nakasama sa special swimsuit pictorial ng Miss Universe

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 12:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kasama si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados sa 10 kandidata para sa espesyal na swimsuit pictorial na naganap nitong Martes. 

Sa pictures, todo-emote si Gazini at 'di papatalbog sa mga kasamang napili.

Sa social media post, sinabi ng beauty queen na hectic ang kinalabasan ng Day 5 activities na magkakasamang rehearsals, pictorials, at bonding sa kanyang Miss Universe sisters. 

Pinasalamatan din ni Gazini ang lumalaki niyang followers sa Instagram na lampas 500,000 na. Nagbigay siya ng mensahe galing sa puso matapos ang kalamidad na pinagdaanan ng ating mga kababayan dahil sa bagyong Tisoy.

Si reigning Miss Universe Catriona Gray naman, ini-enjoy ang bonding sa Miss Universe candidates at ang charity work limang araw bago ipasa ang korona.

Ang coronation show ng Miss Universe ay mapapanood Disyembre 9 ng umaga, oras dito sa Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.