PANOORIN: Panayam ni Boy Abunda kay Gazini nagmistulang 'Q & A' workshop

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2019 08:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Mistulang question-and-answer portion workshop ang panayam ng batikang host na si Boy Abunda kay Miss Universe-Philippines Gazini Ganados kamakailan. 
    
Bago kasi lumipad si Ganados papuntang Atlanta, Georgia sa Amerika para sa Miss Universe pageant, dumaan muna siya sa programang "The Bottomline" para sagutin ang mga maaanghang na tanong nina Abunda at iba pang pageant enthusiasts.

Isa sa mga tanong kay Ganados: Recently the state of Georgia in USA passed the heartbeat law, criminalizing abortion. Do you think other states or other countries should follow suit?

Sagot niya: "As a person who was raised by a conservative mother, and of course a country, I guess we are not in the right position to take away a life because only God can do it. We're here to nurture a life and not to take it away."

Aminado si Ganados na malaking tulong ang pointers na ibinahagi sa kaniya ng tinaguriang King of Talk sa nalalapit niyang kompetisyon. 

 Tagumpay hiling para kay Gazini

Samantala, nagkaisa naman ang beauty queens para bigyang suporta si Ganados, na susubukang makamit ang back-to-back victory sa Miss Universe. 

"What we can do is support our next queens competing, Rae in Supranational, Gazini in Miss Universe, and of course Emma," sabi ni Bb. Pilipinas-International 2019 Patch Magtanong.

"I hope mauwi din ni Gazini ang Miss Universe [crown]," sabi naman ni Bb. Pilipinas-Intercontinental 2019 Emma Tiglao.

Gloria Diaz hurado sa Miss Universe 2019?    

Nilinaw naman ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz ang usap-usapan na magiging hurado siya sa paparating na Miss Universe pageant. 

"I received feelers to judge at the Miss Universe in Atlanta. Actually, I am not inclined, I will have to seriously think about it," ani Diaz.

Paliwanag niya, baka kasi masisi siya ng fans sakaling mabigo si Ganados na makapuwesto sa pageant.

"I don't want to be blamed if Miss Philippines loses, but in fairness, we have a very beautiful Miss Philippines," aniya. 

—Ulat nina MJ Felipe at Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.