PANOORIN: Grupo ng ghost hunters sinilip ang isang abandonadong paaralan

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2020 02:45 PM | Updated as of Oct 27 2020 03:15 PM

Nagdaos ng hunting session sa isang abandonadong paaralan ang ghost hunter na si Baron Magsalay. ABS-CBN News

Isa si Baron Magsalay sa dumadaming bilang ng ghost hunters sa Pilipinas. 

Kung marami sa mga tao ay umiiwas sa mga lugar na pinaniniwalaang pinamumugaran ng mga hindi nakikitang nilalang, ang mga ito naman ang malimit na pinupuntahan ng mga ghost hunter.

Lima ang ghost hunter sa grupo ni Magsalay. Ayon sa kanila, ninais nilang maging ghost hunter upang mabigyan ng kasagutan ang mga hindi maipaliwanag na kababalaghan.

"Isa sa mga purpose ko kung bakit ako nag-aral ng paranormal, para pag-aral 'yong mga nakita ko, kung ano sila, elementa ba sila o spirit. Pinag-aralan ko," ani Magsalay.

Hindi umano madali ang pagiging ghost hunter dahil maaaring hindi kayanin ng ilan ang kilabot.

"Ang pagiging ghost hunter napakadelikado. 'Yong isa mong paa, nasa hukay na kasi puwede ka madisgrasya," ani Magsalay.

Sinama ni Magsalay ang ABS-CBN News sa ghost hunting session sa isang abandonadong eskuwelahan sa Quezon City kamakailan.

Watch more in iWantTFC

Bago matapos ang gabi, nag-alay ng dasal ang grupo para sa ano mang nilalang na nagambala o nagparamdam.

Ipinayo naman ni Magsalay sa mga gustong mag-ghost hunting: "Mas maganda 'yong mayroon kang alam kaysa naman sumuong ka pero hindi mo alam. Puwede mo ikapahamak."

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.