Dating 'That's Entertainment' star, lalaban sa Mrs. Universe

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2019 06:41 PM

MAYNILA -- Magkahalong kaba at pananabik ngayon ang nararamdaman ng dating miyembro ng "That's Entertainment" na si Charo Laude para sa kanyang magiging laban sa Mrs. Universe 2019.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Charo Laude (@charo.laude) on

Sa naging panayam sa 40-anyos na beauty queen, inamin niya na hindi niya inakala na darating pa ang ganitong pagkakataon sa kanya na pinapangarap lang niya noon.

"Tama 'yung sinasabi na 'Don't stop reaching for the stars', 'yung pangarap mo, 'pag ibibigay ni God, talagang ibibigay Niya kahit ano pa ang age mo. Kahit kailan pa 'yan, basta maniwala ka lang sa Kanya," aniya sa panayam.

"And I'm so happy. Imagine at my 40s doon pa pala ako magiging beauty queen."

Ayon kay Charo, puspusan na ang kanyang paghahanda para sa nalalapit na pageant kabilang na ang mga isusuot niya.

"Pinaguusapan pa namin maigi ng designer ko kasi talagang dapat maganda ang preparations namin for that," aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Charo Laude (@charo.laude) on

Kung siya ang masusunod, nais ni Charo na gawing inspirasyon ang Sinulog festival ng Cebu para sa kanyang national costume.

"It's colorful... and the Philippines is colorful lalo na kapag dinala mo 'yun sa ibang bansa. Kailangan makita nila na may X-factor ka pagdating sa national costume pa lang," aniya.

Naikuwento rin ni Charo ang naging reunion nila ng mga dating kasamahan sa "That's Entertainment."

"Ang saya ng reunion, parang magkakasama pa rin kami. Parang 'yung brotherhood and sisterhood andiyan pa rin talaga, and siyempre they're all happy for me because I’m going to represent our country," pahayag pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Charo Laude (@charo.laude) on

Taong 1998 nang unang sumabak si Charo bilang kandidata ng Binbining Pilipinas.

Sa huling bahagi ng Disyembre, byaheng Guangzhou, China si Charo kung saan gaganapin ang Mrs. Universe 2019.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.