Lalaki dumidiskarte kumita gamit ang kaniyang 'rolling barber shop' sa Palawan

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2020 01:47 AM | Updated as of Oct 20 2020 04:16 PM

Watch more in iWantTFC
Kuha ni Judith Bayron

PUERTO PRINCESA - Sa gitna ng pandemiya ng COVID-19, may isang lalaki sa Puerto Princesa, Palawan ang nakaisip ng kakaibang diskarte para kumita. 

Sa Facebook post ni Judith "Raine" Bayron, kanyang ibinida ang rolling barber shop ni "Kuya Bem", na nakalulan sa isang tricycle.

May bubong, kurtina, upuan at salamin sa dito. Ang nagmamaneho ng tricycle ay si Kuya Bem din.

Maaaring pumili ng nais na maging gupit sa halagang P50.

Ayon kay Kuya Bem, hirap silang mga barbero dahil sa pandemya kaya niya naisipan ang rolling barber shop. 

Siya ay nagseserbisyo sa mga residente ng Barangay Irawan, Sta. Lourdes, at Sicsican lalo na sa mga hindi makalabas para makagupit.

Para sa mga residente sa naturang lugar na nais magpagupit kay Kuya Bem, pwede siya makontak sa 0910-128-3036.--Ulat ni John Rephan Zabanal

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.