'UV Express romance': Magkasintahan, sa terminal nagsimula ang love story

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2019 11:53 PM | Updated as of Oct 14 2019 07:10 AM

Ibinahagi ng magkasintahang sina Dominic de Leon at Zieryl Zoleta ang naging simula ng kanilang relasyon.

Unang nagkakilala sina Dominic at Zieryl sa isang BPO company bilang magkatrabaho noong 2004. Ngunit matapos lumipat ng ibang trabaho ni Dominic, nawalan sila ng komunikasyon sa isa't isa.

Hanggang noong 2015, nagkita ang dalawa habang kapwa nakapila sa terminal ng van. Dito na sila naging mas malapit na magkaibigan hanggang sa naging magkasintahan.

Nauna nang naging viral ang video ng wedding proposal ni Dominic kay Zieryl, na ginawa niya sa mismong terminal ng van kung saan sila nagkita muli.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.