Maging in-the-know sa latest deals at mga 'ganap' sa iyong komunidad

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2020 02:59 PM

Ngayong mas madalas nasa bahay ang karamihan at limitado pa ang paglabas, isa sa mga kinagigiliwan ay ang paghahanap ng mga bargain o deals online. 

Dahil may pandemya, laging mas maganda kung makakapagtipid dahil hindi naman nababawasan ang kailangang paglaanan ng budget tulad ng pambayad sa bills, toiletries, groceries. Dagdag pa rito ang mga bagay na kailangan para maprotektahan ang pamilya sa COVID-19. 

Maaaring makatulong ang Sharea app para masundan ang pinakabagong deals, promos, at mga nagaganap sa mga lokalidad sa pamamagitan ng bulletin board*. 

Maaaring alamin ang deals at promos na malapit sa user ng Sharea app. 

Maaari itong buy-one, take-one promo sa paboritong kainan, o malaking discount na maaaring makuha bilang advance birthday gift sa kapamilya. 

Sa paggamit ng Sharea app, maaari nang maabangan ang deals mula sa mga pinakamalapit na lugar. 

Puwede ring i-click ang "ganaps" feature sa bulletin board ng Sharea app na magpapakita ng pinakabagong events o happenings sa isang lugar. 

Maaari itong webinars para sa karagdagang skills, donation drive na puwedeng suportahan, o barangay event na puwedeng masalihan para makatulong sa mga nangangailangan at para lalong mapalapit sa komunidad. 

Sa community wall, maaaring magtanong sa mga nanay, halimbawa, mula sa isang partikular na lugar tungkol sa tips kung paano makakatipid, paano makakuha ng update tungkol sa latest prices at deals sa grocery o sa palengke, saan pinakamurang bumili ng mga supply o kung marami bang tao sa grocery o sa palengke.

Maging updated sa deals, promos, at iba pang 'ganap' sa malapit na lokalidad gamit ang Sharea mobile app. I-download sa https://bit.ly/DownloadSharea12200923a

*Sa ngayon, ang sakop pa lamang ng Bulletin Board ay ilang mga area sa Metro Manila (Quezon City at Marikina City) pero sa tulong ng mas maraming users, maaaari pa itong lumawak.