PANOORIN: Jed Madela, ipinasilip ang kanyang bahay at Funko collection

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2020 11:53 AM

MANILA -- Ipinasilip ng mang-aawit na si Jed Madela ang kanyang dalawang palapag na bahay sa YouTube page ng Star Magic nitong Huwebes.

"This has been like the fruits of my hard work for the past, how many years? I've been in the business for more than 15 years. Ang sarap lang sa pakiramdam na may napupuntahan 'yung pinaghirapan mo. Seeing this house, it makes me feel good na kahit paano sa hirap na pinagdaanan ko sa trabahong ito ay it's all worth it. I have a home, I have a place to stay kung saan I could call my own," ani Jed habang nagbibigay ng house tour.

Dagdag niya: "Never in my wildest dream did I dream to have a house like this. Sabi ko dati makikitira lang ako sa bahay ng parents hanggang you know. But then eventually things just happened, working hard really pays off."

Sa video, ipinakita ni Jed ang kanyang dining area, kusina at ang lounge/prayer area.

"Nagpagawa kami ng altar dito. This is a new part of the house. Wala ito nung binili namin 'yung bahay. Isa sa favorite spots ko, favorite area ko sa bahay ko ang parang prayer area namin. Siguro dito ako nakakahanap ng peace and relaxation, and of course time for myself, time to meditate, time to say my prayers and talk to God. Iba ang effect sa akin kapag dito ako nakatambay," pagbabahagi ni Jed.

Ayon kay Jed, isa rin sa espesyal na bahagi ng kanyang bahay ay ang toy room kung saan nakalagay ang kanyang Funko Pop collection.

"It is my place kung saan ako nagla-lock ng sarili kapag medyo toxic na ang mundo. It's my toy room. ... Tinatawag ko ring Funko room kasi most of my collection are from Funko," ani Jed.

Sa espesyal na kuwartong ito, makikita ang koleksiyon niya ng Disney Funko Pops.

"Sa mga nagtatanong kailan ako nag-start mag-collect ng Funko Pop, I started in 2018. Siguro 'yun ang pinaka-therapy ko. It reminds me of childhood. It reminds me of how simple things were when I was a kid. Nakaka-nostalgic ng feeling na when I see toys it makes me happy, it makes me relax," ani Jed.

Ipinakita rin ni Jed ang kanyang studio kung saan ginagawa niya ang kanyang art at digital content. 

Maliban sa kanyang bahay, ibinahagi rin ni Jed na hilig niya ngayon ang pag-aalaga ng mga halaman na aniya ay bunga ng quarantine.

"Lately in a lockdown, wala tayong masyadong magagawa, hindi tayo masyadong lumalabas. So we try our best to keep ourselves busy. And lately pumasok ako into the wonderful world of taking care of plants," ani Jed.

Narito ang video ng Star Magic tampok ang tahanan ni Jed Madela.

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.