Paolo Ballesteros ibinahagi ang talento sa pagdidisenyo ng gown

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2018 03:45 PM


Hilig ngayon sa pagdidisenyo ng damit ang TV host-actor na si Paolo Ballesteros.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, ibinahagi ni Ballesteros ang sariling disenyong damit na kanyang ipinasuot kay Agatha Lei Romero, isang kandidata ng 2018 Mutya ng Pilipinas. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Agatha Lei Romero (@agatharomero) on

Ayon sa TV host, hindi ito ang unang pagkakataon na nagdisenyo siya ng damit para sa kandidata sa isang beauty pageant.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

"I have designed gowns and Filipinianas for pageants before, pero secret lang. Ngayon hindi na secret," sabi pa niya sa post.

Bukod sa pagiging TV host, nakilala si Ballesteros sa kanyang talento sa panggagaya ng look ng iba't ibang bituin gamit ang kanyang husay sa pagme-makeup.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.