Lolo na walang matuluyan dahil sa lockdown, kinupkop ng isang kompanya sa Makati

Josiah Antonio, ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2020 05:03 PM | Updated as of Aug 22 2020 12:22 AM

Bagong kaibigan. Kinupkop ng isang kompanya ang lolo na si Virgilio Varde na walang matuluyan matapos abutan ng lockdown. Photo courtesy of Ray Edison Refundo

MAYNILA — Kinupkop ng isang kompanya sa Makati City ang isang lolo na stranded sa Metro Manila habang nasa modified enhanced community quarantine ang lugar.

"We offered to have him stay in the office for the duration of the lockdown. There is a small sleeping quarters behind the kitchen with its own bathroom and we thought it might be perfect for him," ayon kay Refundo sa kaniyang Facebook post.

Ayon kay Ray Edison Refundo, hindi makauwi sa Camarines Sur si lolo Virgilio Varde at nakita nilang humihingi ng lumang diyaryo sa isang convenience store para may sapin sa tutulugan sa parke.

"Nung palabas na ako [sa convenience store] umuualan na ... so I came back and asked if he wants to stay over with us for the duration of the lockdown," sinabi ni Refundo sa ABS-CBN News.

Kwento ni Refundo, maayos naman ang kalagayan ni Varde at maaari nang makabalik sa probinsya matapos ibalik sa general community quarantine ang Metro Manila ngunit nananatili muna ito sa kanilang opisina habang inaasikaso ang kanyang medical pass.

 

"Inaaayos pa niya ngayon 'yung kanyang medical pass ... He's here, he's watching TV right now. Most of the time he does the crossword puzzle, nakikipagkwentuhan sa'min or we eat dinner, lunch but for the most part he watches Netflix. He's actually enjoying it," aniya.

Ayon naman kay Varde, stranded na siya sa Makati simula pa noong Marso.

Dagdag pa niya, makakauwi na sana siya noong Hulyo ngunit nag-expire na ang kanyang medical pass.

"Ang [ginagawa] ko'y nandiyan ako sa post office, sa park, natutulog," sinabi ni Varde sa ABS-CBN News.

Kwento ni Varde, masaya siya at kinukupkop siya nina Refundo at hiling na maasikaso na ang kanyang medical pass at makauwi.

"Masayang-masaya ako dahil kahit ganito ang buhay ko, mayroon pa ring nagmalasakit sa'kin. ... Pinapabayaan nga lang nila akong manood dito eh."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.