Gretchen Ho, ibinida ang kanyang 'Game of Thrones' tour

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2019 11:19 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ibinahagi ni Gretchen Ho ang kanyang "Game of Thrones" tour sa Northern Ireland.

Sa Instagram, nag-post si Gretchen ng mga retrato ng ilan sa ginamit na props at costumes ng mga bida ng nasabing serye.

Nakita rin ni Gretchen si Andrew McClay na isa sa mga aktor ng "Game of Thrones."

Masaya rin si Gretchen sa iba pang aktibidad ng nasabing tour tulad ng Hall of Faces at pagsakay sa isang dragon.

-- Umagang Kay Ganda, Agosto 19, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.