Mutya ng Pilipinas 2017 winners, sumabak sa 'UKG' challenge

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2017 12:20 PM

Sumabak sa "Clash of Beauties" challenge ng "Umagang Kay Ganda" ang mga nanalong kandidata ng Mutya ng Pilipinas 2017.

Nitong Martes, naging magkakampi para sa Red Team sina Sofia Marie Sibug, Mutya ng Pilipinas 2017 second runner up; Angela Carla Sandigan, Mutya ng Pilipinas 2017 first runner up; at Savannah Mari Gankiewicz, Mutya ng Pilipinas 2017 Overseas Communities.

Para naman sa Blue Team ay magkakampi sina Hannah Khayle Iglesia, Mutya ng Pilipinas 2017 Top Model of the World; Jannie Loudette Alipo-on, Mutya ng Pilipinas 2017 Tourism International; at Ilene Astrid de Vera, Mutya ng Pilipinas 2017 Asia Pacific International.

Sa huli, ang Blue Team ang nanalo sa challenge matapos nitong masagot ng wasto ang tatlong sunod-sunod na katanungan.

Umagang Kay Ganda, Agosto 15, 2017