DJ Betina ng MOR GenSan, nagpakita ng suporta sa ABS-CBN sa kaniyang Chibi figures

Yen Mangompit, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2020 04:58 AM

Nagpakita ng suporta sa ABS-CBN ang isa sa mga kilalang DJ ng MOR GenSan sa pamamagitan ng paggawa ng Chibi figures. Yen Mangompit, ABS-CBN News

GENERAL SANTOS - Nagpakita ng suporta sa ABS-CBN ang isa sa mga kilalang DJ ng MOR GenSan sa pamamagitan ng paggawa ng Chibi figures.

Ang Chibi ay isang Japanese slang word na ibig sabihin ay maliit na bagay, hayop o tao kadalasang ginagamit sa anime. 

Walong taong nagta-trabaho si Marynoll Cabacos, na kilala ding DJ Betina, sa ABS-CBN General Santos, na siyang humahawak sa MOR GenSan.

Hindi niya akalain sa pagsapit ng taon na ito na matinding hamon pa palang kahaharapin niya at ito ang nalalapit na pamamaalam sa kaniyang MOR station. 

Nitong Hulyo kasi pinatay ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN, na nagresulta sa pagkawala ng madaming trabaho sa Kapamilya network.

“Eight years na po ako Kapamilya. 'Yun pala, mawawala din sa akin. Napakahirap isipin yung trabaho mo, yung mahal mo, mawala sayo ng ganun kabilis,” ani DJ Betina.

Hindi man pisikal na madamayan ni DJ Betina ang mga Kapamilya niya sa iba't ibang parte ng bansa na labis ang lungkot at pangamba dahil mawawalan sila na ng trabaho sa gitna ng COVID-10 pandemic, dinaan na lang niya sa paggawa ng Chibi figures ang kanyang pagdamay sa mga kasamahan.

“Ito, gumawa ako ng little figures para matawid 'yung aking pakikisa sa kanilang lahat kasi gusto ko damayan ang lahat," aniya.

Isa sa mga likha ni DJ Betina ay isang Chibi na yakap-yakap ang ABS-CBN logo. Meron din siyang Chibi ng mga TV personality, shows at supporters ng network na may placards na nagsasabing "Proud Kapamilya."

"Simple lang naman yung mensahe. Sana marinig yung boses namin. Sana mapakinggan. Sana 'yung iyak, daing namin para mabalik sana ang tahanan namin kasi hindi namin alam paano magsisimula ulit," aniya.

"Pangarap namin, tahanan namin, mga katrabaho, paano na? Ano na mangyayari?”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.