TINGNAN: 'Hanap jowa' pass ng asong nangangapitbahay sa Bulacan

Cielo Gonzales, ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 10:33 AM | Updated as of Jun 03 2020 12:58 PM

Photo Courtesy: Jhec Victoria

MAYNILA - Good vibes ang hatid ng isang aso sa Pulilan, Bulacan na lumalabas nang may suot na “Hanap Jowa Pass ID.” 

Sa kuhang retrato ni Jhec Victoria, makikita ang aso na si “Angelo Tigas Ulo Jr.” na may suot na ID na mukhang quarantine pass. 

Kuwento ni Victoria, ito ay dahil may pagkakataong lumalabas ang kaniyang aso papunta sa kapitbahay. 

"Nakakatuwa po kasi naging way kami ng alaga kong si Angelito para makapagbigay ng good vibes sa ibang tao sa gitna ng pandemya,” ani Victoria. 

Siniguro naman ni Victoria na sinusunod nila ang batas sa kanilang barangay ngayong may quarantine at limitado ang pinapayagang paggalaw ng tao. 

"As a responsible pet owner po di ko din tino-tolerate ang pagpapalabas ng aso lalo may ordinance din ang baranggay tungkol dito,” ani Victoria. 

-- Bayan Mo, Ipatrol Mo 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.