'Mga bagong bayani': Frontliners inulan ng pagsaludo sa Araw ng Kagitingan

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2020 12:56 PM

MAYNILA — Nitong Huwebes ay inalala sa Pilipinas ang Araw ng Kagitingan para kilalanin ang mga Pilipinong nagpakita ng labis na tapang sa kanilang kinahaharap na pagsubok.

At sa gitna ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), bumuhos ang pagsaludo ng netizens para sa iba't ibang frontliners—mga nurse, doktor, sanitation workers, at marami pang iba—na walang takot hinaharap ang banta ng virus para sa serbisyo sa mga kapwa-Pinoy.

Narito ang ilan lang sa mga mensahe ng netizens na ipinaabot nila sa COVID-19 frontliners, na kinikilala na nila ngayon bilang mga bagong bayani. 

• Alma Bornas: "Thank you all! We salute you, our silent heroes for your dedication and passion to your calling! We pray for your health and protection as well for your families too. God bless all of you!"

• Teodora J. Landicho: "Thank you so much for your sincere service and compassion to COVID-19 patients! We earnestly pray for your protection against the virus."

• Estrella Villar: "Frontliners are the heroes in our today’s observance of Araw ng Kagitingan."

• Marinel Paala Buñag: "Million thanks to all of you frontliners. We're praying for your safety. God bless"

• Parts Antiojo: "Thank you sa mga frontliners God bless you always."

• Felove Saba: "Yes thank you so much to all frontliners for the sacrifices to serve to our country... May the Lord protect all of you Amen."

• Emma Larena del Rosario: "Thank you for all your sacrifices frontliners!"

• Cecile Rodriguez Airoso: "Thank you so much for all your sacrifices. May God bless all of you."

• Wat'z C Cornista: "Salamat sa walang sawa ninyong pagmamahal sa bayan pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal, kasama kayo lagi sa aming mga panalangin... Mabuhay."

Bukod sa netizens, nauna nang nagbigay-pugay sa frontliners ang ABS-CBN Corporate Communication Management sa pamamagitan ng pagbuo nila ng video na pinamagatang "Pag-ibig ang Hihilom sa Daigdig" kung saan tampok ang iba't ibang mukha ng frontliners.

Sa huling tala, higit 3,000 na ang dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas, na ngayon ay nasasailalim sa State of Public Health Emergency dahil sa naturang sakit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.