PANOORIN: Fashion designer, nagturo kung paano gumawa ng face mask

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2020 11:59 AM

MANILA -- Para sa mga hindi makabili ng surgical mask, maaaring gumawa ng alternatibong face mask gamit ang mga materyales na karaniwang makikita sa bahay.

Sa isang YouTube tutorial, ipinakita ng fashion designer na si Santi Obcena kung paano gumawa ng face mask na puwedeng isuot ng mga taong maysakit upang maiwasan ang paghawa sa iba.

"Para po ito sa mga komunidad, mga household, na wala pong kakayanan o wala pong resources na makakuha ng tradisyunal na surgical mask," aniya.

"Sa paggawa po ng disenyo namin, ito po ang mga inisip namin na mga factors -- na dapat po hindi nakakapasok ang tubig [sa isang side], at dapat din pong absorbent sa likod," dagdag niya.

Ayon kay Obcena, kailangan lamang ng isang water-repellant fabric, denim o maong, cotton, garter, at filter na puwedeng makuha sa mga eco bag.

Aniya, maaaring labhan ang mismong mask, at i-disinfect ang removable filter gamit ang hydrogen peroxide solution.

"Sana po ay maibsan po natin ang epidemya na ito at makatulong po tayo sa komunidad natin," ani Obcena.

Narito ang kanyang tutorial:

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.