ALAMIN: Bakit hindi komportable ang iba sa 'PDA'

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2020 02:49 PM | Updated as of Feb 28 2020 03:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — May paliwanag ang siyensiya kung bakit may mga taong naiilang o naeeskandalo sa "public display of affection" (PDA) o paglalampungan sa publiko, personal man o sa social media. 

Napapailalim ang konseptong ito sa "proxemics" o pag-aaral na may kinalaman sa personal space ng isang tao, ayon sa life coach na si Eric Cruz sa programang "Sakto." 

"Nagke-create ng image na kung kayang gawin ito sa harap ko ano pa bang maaaring gawin sa likod ko? May scandal na nake-create sa images na iyon," ani Cruz . 

"Itong personal space, habang tumatanda ka nagiging sensitive ka. At the same time dumarami na ang mga prinsipyo mo sa buhay," dagdag niya. 

Pero ayon kay Cruz, bagama't mas tanggap na ang PDA sa lipunan, importante ang gabay ng magulang para maturuan kung ano ang puwede at bawal na gawin kasama ang partner. 

"Nagbabago ang panahon. Pero ang di nagbabago ay 'yung values. At the root of it is respect: Ano ba ang boundaries na puwedeng ilagay sa sarili niyo?" ani Cruz. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.