Gazini Ganados, nagbahagi sa unang pagkikita nila ng kanyang ama

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 03:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Matapos ang higit dalawang dekada, nakita na ni Gazini Ganados, ang naging pambato ng Pilipinas sa 2019 Miss Universe, ang kanyang ama na isang Palestinian.

Nitong Miyerkoles, ikinuwento ni Gazini na ang "Magandang Buhay" at ang kanyang nobyo ang naging daan para magkita sila ng kanyang ama na naka-bonding niya sa Cebu matapos niyang lumaban sa Miss Universe. 

"Actually I just got back here in the Philippines. 'Yung boyfriend ko kasi ang nag-set ng surprise for us and then 'yung taping natin pala (sa 'Magandang Buhay') nakaabot sa kanya. 'Yung friend niya nagsabi na, 'Oh this girl is familiar, maybe this is your daughter.' Nag-message siya sa Facebook page ko which is ini-screen ng boyfriend ko in case lang may bad comments, ini-screen niya lang and 'yun nahanap niya ang message ng dad ko. They started to come up with the surprise na. When I got back, that's when it all happened," ani Gazini na ibinahagi rin ang nangyari sa naging unang pagkikita nila ng kanyang ama.

"Sabi ng boyfriend ko, 'Oh baba tayo.' Sabi niya ka-meeting niya ang friend niya. Sabi ko, 'Marami bang tao?' Kasi hindi ako ready, kakarating ko lang from airport. Paakyat na kami sa stairs then nandoon 'yung father ko naghihintay. When he turned around na-shock na lang ako tapos I was so speechless," ani Gazini.

"Alam ko lang na siya kasi mayroon kaming frame sa bahay namin na photo niya nung college sila ng mom ko. Then sobrang kamukha (ko siya). He's like the male version of me. So alam mo talaga na father ko siya. ... And then nag-slow mo lang nung palakad siya (papunta) sa akin. Shock lang ako tapos I just cried then he cried," dagdag ng beauty queen.

Ayon kay Gazini, ipinaliwanag din sa kanya ng ama kung bakit 'di nito batid ang tungkol sa kanya. 

"He said naman na he never knew that he had a daughter, that when he left, he asked my mom to go with him but then my mom said that she will take care of my grandparents. So 'yun they parted ways and that's when my mom got pregnant," ani Gazini.

Naging emosyonal naman si Gazini habang ibinabahagi ang una niyang sinabi sa kanyang ama.

"Sabi ko, 'I don't have any grudge with you and that I'm still happy to meet you finally after searching for you.' Then he said he's sorry and he didn't know anything about it and he loves me and he's so proud of me and I'm so happy," aniya.
 
Sa huli, nagpasalamat si Gazini na naging daan ang pang-umagang programa ng ABS-CBN para makita ang kanyang ama na kumumpleto sa kanyang pagkatao.

"That's why I can say that my reign has been very fruitful not only for me but and for my advocacy but because I became fulfilled with my life, naging buo ako," ani Gazini.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.