Adobo, sinigang na may strawberries alok sa mga kainan sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2020 02:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kakaibang lasa ang hatid ng adobo at sinigang – ilan sa mga paboritong putahe ng maraming Pilipino – na inihahain sa mga kainan ng isang hotel sa Baguio City dahil sa paghalo ng sangkap na strawberry.

Alok sa Halfmoon Café at Zenz Bar and Restaurant ng Mines View Park Hotel sa Baguio ang sinigang at adobong may halong strawberries, na tinikman sa programang “Matanglawin” ng mga dating “Pinoy Big Brother” housemates na sina Lou Yanong at Andre Brouilette.

“Since we are here in Baguio, we try to make our own version… we added strawberry to add more flavor,” ani Jonathan Barroga, general manager ng hotel.

Ayon kay Brouilette, masarap at hindi gaanong matamis ang adobong may strawberry.

“'Yong strawberry, kaunting matamis. Hindi naman overpowering,” aniya.

Magandang halo ang strawberry sa sinigang, sabi naman ni Yanong.

“It mixes well because maasim siya (sinigang) tapos biglang matamis pagkakagat mo ng strawberry,” ani Yanong.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.