RECIPE: Salisbury steak

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2020 12:28 PM | Updated as of Jan 27 2020 12:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kung naghahanap ng ulam na maihahain para sa pamilya, tiyak na mage-enjoy sila sa malasang salisbury steak o mas kilala na burger steak.

Sa "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ni Robert Ihada, may-ari ng restoran na Patio Roberto's sa Las Piñas, ang recipe ng nasabing putahe.

Ang mga sumusunod ang mga sangkap na dapat ihanda sa paggawa:

BURGER PATTY
• 1 kilo ng giniling na baka
• 1 kutsarita ng chicken powder
• 1 kutsarita ng garlic powder
• 1 1/2 kutsarita ng asin
• 1 kutsarita ng pamintang durog
• 1 piraso ng sibuyas (tinadtad)
• 3 butil ng bawang (tinadtad)
• 2 kutsara ng mustard (optional)
• 2 kutsara ng catsup (optional)
• Thyme

GRAVY
• 4 tasa ng beef stock
• 1/2 tasa ng all-purpose flour
• 1/2 tasa ng mantikilya
• 1 kutsarita ng asin
• 1 kutsarita ng paminta
• 1 kutsarita ng liquid seasoning
• 1 kutsarita ng asukal
• 1/2 tasang button mushroom (optional)

Narito naman ang paraan ng pagluluto;

BURGER PATTY
• Pagsama-samahin sa isang malaking bowl ang giniling, asin, paminta, bawang, sibuyas, asukal, mustard, catsup, at thyme.
• Haluing mabuti para kumapit ang lasa ng mga sangkap sa giniling na baka.
• Matapos haluin, kumuha ng isang punong kutsara ng mixture at ihulma na parang bola bago pipiin para magkorteng burger.
• Pagkatapos i-mold ang patty, iprito hanggang maluto ang burger.

GRAVY
• Sa isang mainit na kawali, ilagay ang harina at mantikilya, at haluing mabuti hanggang maging brown ang kulay.
• Lagyan ng beef stock at iba pang pampalasa, at hayaan nang 2 minuto o hanggang lumapot ang sarsa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.