Catriona Gray inspirasyon ng bagong dance challenge

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2020 12:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nauuso ngayon ang isang bagong dance craze na isinasayaw sa kantang inspired kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ito ang “Catriona dance challenge” na ginawan ng dance steps ng choreographer na si Mannex Manhattan.

Sari-saring dance cover na ang naglabasan sa social media at ang iba rito ay pumapalo sa milyon-milyon ang views.

Maging si Catriona Gray ay minsan nang kumasa sa challenge.

“It was very, very flattering na so many people are getting so much joy and fun from doing the dance,” ani Gray sa panayam ng “Rated K.” 

Ang dance challenge ay isinasayaw sa kantang “Catriona,” na likha ng breakout artist na si Matthaios o Jun Matthew Brecio para sa beauty queen.

Bago ang sayaw, nauna nang nag-viral ang kanta matapos i-release ni Matthaios noong Disyembre 2019.

Hinirang na Miss Universe si Gray noong 2018. Siya ang ikaapat na Pinoy na nakakuha ng titulo sa prestihiyosong international pageant. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.