Saan suwerte, malas ang iyong animal sign ngayong Chinese New Year?

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 08:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sa pagpasok ng Year of The Metal Rat, ibinahagi ng isang feng shui expert ang kapalaran ng mga animal sign sa paparating na bagong Lunar Year. 

Ayon kay Marites Allen, maganda ang pasok ng pera para sa mga ipinanganak sa year of the dog, pig, dragon, at snake. 

Suwerte naman sa pag-ibig ang mga ipinanganak sa year of the sheep at monkey. 

Pero mayroong mga animal sign na mamalasin sa ilang aspeto, gaya ng mga ipinanganak sa year of the rat, horse, at rabbit. 

Para kontrahin ang malas, dapat maging mapagpasensiya ang taong ipinanganak sa year of the rat. 

"They have the so called argumentative star in their chart," paliwanag ni Allen. 

Malakas naman ang illness star ng mga may horse sign, ayon kay Allen. 

Hawak naman ng year of the rabbit ang misfortune star. 

Magsisimula sa Sabado, Enero 25, at magtatagal hanggang Linggo, Enero 26 ang pagdiwang ng Chinese New Year. 


-- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.