RECIPE: Paksiw na pata sa pinya

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2020 01:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ang paksiw ay isa sa basic cooking method o paraan ng pagluto kung saan niluluto ang pangunahing sangkap sa suka.

Pero sa "Umagang Kay Ganda," binigyan ni Beth Rafael, may-ari ng Villa Sallud Catering Services, ng twist ang paksiw at ginawang manamis-namis dahil sa paghahalo ng pineapple juice.

Narito ang mga sangkap sa malasang paksiw na pata sa piña:

  • 2 kalahating kilo ng pata ng baboy
  • 1/2 tasa ng Chinese cooking wine
  • 1/4 tasa ng suka
  • 1 tasa ng toyo
  • 1/2 tasa ng asukal na pula
  • 2 piraso ng star anis
  • 4 tasa ng tubig
  • 2 kalahating tasa ng pineapple juice
  • 1 kutsarita ng paminta
  • Pineapple chunks
  • Bulaklak ng saging

Narito ang proseso ng pagluto sa nasabing putahe, ayon kay Rafael:

  • Pakuluan ang pata ng baboy sa tubig na may sibuyas, bawang at kaunting asin para mawala ang malansa at maanggong amoy nito
  • Sa mainit na mantika, iprito nang bahagya ang pata hanggang maging brown at itabi
  • Pagsama-samahin ang mga sangkap kasama ng pata at pakuluan nang husto hanggang sa lumambot ito
  • Habang nakasalang, tanggalin ang maitim na parang bula sa ibabaw ng pinapakuluan
  • Hulnig ilagay ang bulaklak ng saging at hayaang lumambot nang husto ang pata bago hanguin
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.