Eksperto nagpayo: Mag-ingat sa mga binubuksang mensahe, website

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2020 03:55 PM | Updated as of Jan 07 2020 04:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Kumalat kamakailan ang holiday greetings sa social media na ginagamit para ma-hack ang mga online account.

Palaisipan man kung saan ito nagsimula, mainam ayon sa tech editor na si Art Samaniego na mag-ingat na lang tungkol sa mga ganitong link. 

"Ingatan natin sa Facebook. 'Pag may nagpadala sa ating [kahina-hinalang'] link, 'wag mong i-click. 'Pag kinlick mo yan baka manakaw mga detalye mo," ani Samaniego sa programang "Sakto" sa radyo DZMM. 

Paliwanag ng eksperto, parte ito ng isang phishing scam na kumukuha ng detalye sa mga datos ng isang naka-click noong link, gaya na lang ng password at retrato. 

"Mayroong website, kinlick mo, binabasa mo, nagfi-fill up ka. Pero iyon, ginagapang na ng program na iyon ang computer mo. Sa likod niyan, may ginagawa pa siya (hacker) sa background," aniya. 

Mainam din na bigyang-alam aniya ang mga mas nakakatanda ukol sa ganitong mga modus, lalo na't sila ang madalas na nabibiktima ng online scam, ayon sa pag-aaral. 

"May mga pag-aaral na kapag ipinanganak sa 1950, 1960s and early 70s... Ito ang pinalaki nang maayos para maging magalang, matulungin, kaya ito ang ine-exploit ng mga scammer," paliwanag niya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.