MULTIMEDIA

Fortune teller to the stars na si Madam Auring, pumanaw na

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2020 07:08 PM

Watch more in iWantTFC

Pumanaw na ang sikat na fortune teller na si Madam Auring sa edad na 80.

Ibinahagi ito ng kaniyang apo sa social media. Dekada '70 nang sumikat si Madam Auring dahil sa kaniyang mga prediksiyon na nagkatotoo.

Ito rin ang naging dahilan kaya siya naging takbuhan ng mga artista at pulitiko na may gustong malaman tungkol sa kanilang hinaharap.