'It was major': Toni at Mariel, nagbalik-tanaw sa dating tampuhan

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2018 01:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- "It was major."

Ganito inilarawan ng magkaibigang Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga ang naging alitan nila noon.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, naging bukas ang dalawa tungkol sa naging hidwaan nila may walong taon na ang nakakaraan.

"Para sa akin it was major. Kasi in showbiz, for me, she was my best friend. Nag-away. It was major. [It was hurtful] for the both of us and I'm sure it wasn't easy also for [Toni]," ani Mariel.

Ayon naman kay Toni: "It was major because at that time, we were young. It was hard to get over with, it took time to heal."

Kuwento ng dalawa, oras ang nagpahilom sa sakit na likha ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

"Time. Ako tingin ko talaga time, hindi namin pinuwersa," ani Toni.

Dagdag ni Mariel: "Ako rin [time]. Kasi noong nagkaroon ng time na ibang tao ang nagta-try na mag-ayos parang okay, pero hindi pa siya 'yung talagang naging okay na okay na talaga."

Nang matanong ang dahilan ng kanilang naging away, sagot ni Toni: "Maraming mga na-involve, maraming factors. It was blown out of proportion. It was also something that we could have dealt with between the two of us instead of involving a lot of people."

Naniniwala naman si Mariel na ang nangyari sa kanila ni Toni ang mas nagpatibay ng kanilang pagkakaibigan ngayon.

"Kumbaga love is sweeter the second time around," aniya. "After everything, you will value what you have."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.