Alex Gonzaga, malapit na nga bang magpakasal?

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2018 11:34 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ni Alex Gonzaga na napag-uusapan na niya at ng kanyang nobyong si Mikee Morada ang pagpapakasal.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes kasama ang kapatid na si Toni, nagbahagi si Alex tungkol sa usapin ng pagpapakasal.

"Napag-uusapan na namin. Siyempre ang fake naman kung hindi pa napag-uusapan at tumatanda na rin. But alam namin kung ano ang time frame. May time frame kami sa isa't isa," ani
Alex.

"Alam mo, first time akong nagkaroon ng karelasyon na nasa same kami ng page, same wavelength. So walang naiinip, walang nagmamadali, pareho," dagdag niya.

Ayon naman kay Toni, nakita niya ang pagbabago kay Alex nang makarelasyon nito si Mikee.

"Nakita ko 'yung change of attitude ni Alex when it comes to handling relationships. Kasi ano 'yan kapag ayaw na, ayaw na. Ganun siya. [Pero with Mikee] nag-a-adjust at pinapagalitan siya. Tuwang-tuwa ako na pinapagalitan siya ni Mikee, kasi tapos na 'yung trabaho ko. May iba nang nagagalit para sa akin," ani Toni.

Sa phone patch, ipinahatid naman ni Pinty Gonzaga, ina nina Alex at Toni, ang kanyang reaksiyon sakaling magpakasal na ang bunso niyang anak.

"Ready na kami ni daddy kapag si Alex ay mag-asawa. Sinasabi namin sa kanya 'yon. If she's ready to marry, okay lang sa amin kasi she's not getting any younger. At saka para madagdagan na si Seve, madagdagan na 'yung apo namin," ani mommy Pinty na inaming boto siya kay Mikee.

"Gusto ko rin si Mikee at saka nakita ko sa kanya 'yung lagi niyang ini-encourage si Alex. Nagbibigay siya ng inspiration especially when down si Alex, lagi siyang nandiyan. Yeah, ako, gusto ko siya, at sana sila na talagang dalawa," dagdag niya.

Bida sina Alex at Toni sa pelikulang "Mary, Marry Me" na ipapalabas sa Araw ng Pasko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.