Toni Gonzaga, naniniwalang si Mikee Morada ang 'the one' para kay Alex

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 04:20 PM


MAYNILA -- Napa-throwback ang kuwentuhan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa kanilang naging guesting sa "Tonight With Boy Abunda" nitong Miyerkoles.

Dito, muling binalikan ni Toni ang mga panahon nang ipapakilala pa lang ng kanyang kapatid sa kanilang pamilya ang nobyo nitong si Mikee Morada.

Watch more in iWant or TFC.tv

"May naging rule kasi ako noon: Dadalhin mo lang ang lalaki dito if he's the one," ani Toni.

Aniya, ayaw na niyang makaranas pa ng heartache ang kapatid gaya nang naramdaman nito sa ex-boyfriend nito noon.

Inamin naman ni Alexna minsang sumagi na sa kanilang usapan ang tungkol sa kasal.

"Mayroon kaming timeline kung kailan. Basta we're on the same page Tito Boy," pahayag pa ni Alex kay Boy Abunda.

Sa ngayon, abala sina Toni at Alex sa kanilang unang pelikula na magkasama, ang "Mary, Marry Me" na isa sa mga pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.