'Showtime' hosts, nagpasalamat kay Gazini Ganados

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 02:36 PM | Updated as of Dec 09 2019 03:23 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nagpasalamat ang pamilya ng "It's Showtime" kay Gazini Ganados, ang naging pambato ng Pilipinas sa katatatapos na Miss Universe 2019.

Nitong Lunes, ilang oras matapos ang koronasyon ng Miss Universe, nagbigay ng kanilang saloobin ang mga host ng "It's Showtime." 

"Siyempre congratulations pa rin sa ating pambato na si Gazini sa pagbibigay mo ng karangalan sa bansa. We are so proud of you. At siyempre congratulations din sa ating pinakamamahal na Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa isang matagumpay na taon," ani Amy Perez.

"Bawing-bawi naman tayo kay Catriona. Ang ganda pa rin ni Catriona kanina. Pero si Gazini, napakaganda pa rin naman ni Gazini at saka sabi niya nga kanina sa speech niya, 'no one shall be left behind.' Kaya kahit 'di pinalad ay sama-sama pa rin tayo sa pagsuporta kay Gazini sa pagbabalik niya sa Pilipinas," ani Vice.

"Proud na proud pa rin tayo kay Gazini," dagdag ni Vhong Navarro.

Binati rin ng pamilya ng "It's Showtime" si Zozibini Tunzi ng South Africa, ang pinakabagong Miss Universe.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.