'Kadenang Ginto,' nagsimula na ang pagkinang sa Myanmar

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 02:40 PM

MAYNILA -- Nagsimula na ang pagningning ng Kapamilya seryeng "Kadenang Ginto" sa Myanmar sa pag-ere nito sa Sky Net Channel.

Napapanood sa nasabing bansa ang Pinoy serye mula Lunes hanggang Biyernes, 7 p.m..

Sinimulan na rin nitong ipakilala ang mga pangunanahing tauhan sa kuwento na pinabibidahan nina Dimples Romana at Beauty Gonzalez.

Bida rin ang mga love teams nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin Kyle Echarri and Francine Diaz.

Sinusundan ng "Kadenang Ginto" ang yapak ng iba pang teleserye ng ABS-CBN na tinatangkilik ngayong 2019 sa ibang bansa tulad ng "Pangako Sa ’Yo" sa Dominican Republic, "Halik" sa Africa, "Forevermore" sa Thailand, "Asintado" sa Kazakhstan, "Wildflower" sa French islands sa Pacific at Indian Oceans, at ang upcoming co-production ng ABS-CBN at Limon Yapim na "Hanggang Saan" sa Turkey. 

Sa Pilipinas, napapanood ang "Kadenang Ginto" mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "It's Showtime."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.