'Parang grade 2': Liza inilarawan kung paano humalik sa eksena si Enrique

MJ Felipe, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 05:17 PM | Updated as of Dec 06 2019 08:08 PM

MAYNILA — Kasado na ang primetime comeback ng tambalang Enrique Gil at Liza Soberano para sa seryeng "Make It With You" na shinoot pa sa Croatia ang maraming eksena. 

Inilabas ang teaser sa serye noong Huwebes. 

Bibigyang-buhay nina Liza at Enrique ang mga karakter nina Billie at Gabo.

Sa ginanap na digital media conference nitong Biyernes, inamin ng LizQuen na na-miss nila ang gumawa ng proyekto para sa TV. 

"I feel like I'm back to square one, back to another character, back to another love story," ani Enrique.

Maraming rebelasyon ang real-life couple ukol sa kanilang naging filming sa Croatia, kabilang na ang pagkasira umano ng kama.

"Sa Croatia may nasira na kama. Pero hindi sa eksena, sa totoong buhay niya nasira 'yung kama. Sobrang kinilig siya sa akin, kinilig siya nasira niya 'yung kama," sambit ng aktres. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Natanong din si Liza kung paano nito ilalarawan ang paghalik ni Gil sa mga eksena. 

"Quen's kiss? Parang grade 2. Hindi, joke lang, joke lang. Sa eksena lang 'yun," pabirong sagot niya.

Ang "Make It With You" sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina ang unang offering ng ABS-CBN para sa 2020. 

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.