Daniel Padilla, handa na nga ba pakasalan si Kathryn?

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2019 06:18 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

MAYNILA -- Hindi itinangi ng aktor na si Daniel Padilla na napag-uusapan na nila ng nobyang si Kathryn Bernardo ang planong pagbuo nang kanilang sariling pamilya.

Sa bahagi ng naging panayam kay Daniel sa "Tonight With Boy Abunda," inamin ng aktor na pinag-iipunan na nila ni Kathryn ngayon ang kanilang kinabukasan.

Watch more in iWant or TFC.tv

"'Yun ang pinaghahandaan na namin ngayon, pinagta-trabahuhan namin. Kasi siyempre 'pag dumating ang panahon na 'yun ayoko ng pukpukan pa rin (sa trabaho). Siyempre after marriage, you have to have a family," tugon ni Daniel sa programa ni Boy Abunda.

Ayaw pa sa 24 anyos na aktor, nais niya na magkaroon ng sariling pamilya bago siya sumapit sa edad na 30 taon. 

"Ayaw ko maging late pagdating sa family, ayoko na maging old tapos magkaka-anak," ani aktor.

Ibinahagi rin ni Daniel ang ideal wedding ceremony na napag-usapan na umano nila ni Kathryn. "Gusto namin (ni Kathryn) sa dagat eh. It's a celebration of love and friendship," aniya.

Bukod sa paghahanda ni Daniel sa kaniyang sariling kinabuksan, hinahanda na rin ng aktor ang kanyang mga kapatid kung sakaling mag-desisyon na siya na bumuo ng sariling pamilya.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Pinag-uusapan na namin 'yun, you have to save up. Oo ngayon may bahay tayo pero darating kasi 'yung punto na gusto ko nang mag-asawa, bumukod, ibang usapan na naman 'yun. So you have to save now, kasi once na dumating na 'yung time na 'okay, ready na ako, ready na 'yung partner ko,' at least mayroon kang mailalabas na," sabi pa ni Daniel.

At kung darating na ang pagkakataon na tutuparin na niya ang kaniyang pangarap na pagbuo ng sariling pamilya, nais rin daw ni Daniel na maging maayos ang kanyang ina at mga kapatid. 

"Once na bumukod ka, gusto mo steady rin sila. Hindi naman pwede na si Mama, I mean nagta-trabaho siya ngayon, pero hindi ko naman gusto... Gusto ko rin na i-provide na sa kanila 'yun, provide provide pero siyempre mayroong manipis na kailangan rin nila matuto."

Matatandaan na Agosto 2018 nang kumpirmahin nina Kathryn at Daniel sa publiko na limang taon na silang magkarelasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.