Jessy Mendiola, umaming na-depress nang makatanggap ng 'fat memo'

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2018 04:05 PM | Updated as of Dec 02 2018 04:27 PM

Retrato mula sa Instagram ni Jessy Mendiola/@senorita_jessy

Inamin ni Jessy Mendiola na nakatanggap siya ng "fat memo" na naging dahilan para dumaan siya sa depresyon at nagtulak sa kaniya na magbawas ng timbang.

Sa ulat ng entertainment website na Push, ikinuwento ni Mendiola sa isang press conference kamakailan na binigyan siya ng "fat memo" dahil sa kaniyang timbang, nasa isa o dalawang taon na umano ang nakalilipas.

"Hindi naman ako nawala. It's just, nag-lay low lang ako nang very light kasi nga nagkaroon ng weight gain. Nakatanggap ako ng fat memo," ani Mendiola.

"Yes, it's true. A year ago or two years ago. It's a proof na you can't get work if you gain weight. That's how society works," dagdag ng aktres.

Kuwento pa ng aktres, dumaan siya sa depresyon dahil sa naturang memo.

"I got very depressed. Parang dumating ako sa point na, 'Ah ito na lang pala din talaga 'yong halaga ko. Kung hindi ako sexy, wala akong projects or hindi nila ako makikita as who I am,'" ani Mendiola.

Nakaahon si Mendiola sa depresyon at nagsimulang maging "healthy" na nauwi rin sa kaniyang pagpayat. @senorita_jessy

Pero nakaahon ang aktres sa depresyon at nagsimulang maging "healthy." Itinuturing niyang "add on" o dagdag na bagay na lang ang kaniyang pagpayat.

"I wanted to feel good so I started being healthy. Add on na lang 'yong pagpapapayat," aniya.

Itinanggi din niya na ang bashers ang nagtulak sa kaniyang magbawas ng timbang at sinabing nais lang talaga niyang alagaan ang sarili.

Dagdag pa ni Mendiola, nauunawaan daw niya na bahagi ng kaniyang trabaho bilang artista ang magpanatili ng magandang pangangatawan.

"I understand naman kasi it's part of our job to stay in shape and to look our best," aniya.

Balik-eksena si Mendiola ngayon sa pelikulang "The Girl in the Orange Dress," na isang entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.