Maricel Soriano, willing maging ninang sa kasal ni Angel Locsin

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 07:40 PM

MAYNILA -- "Mahal ko si Angel 'no. Kahit sponsor, guest, whatever, I will be there for Angel."

Ito ang naging pahayag ni Maricel Soriano nang tanungin ito kung posible ba na maging ninang siya sa nalalapit na kasal ng aktres na si Angel Locsin kay Neil Arce.

Matatandaan na naging malapit ang beteranang aktres kay Angel matapos nilang magsama sa Kapamilya series na "The General's Daughter."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maricel Soriano (@maricel.soriano.official) on

Ayon pa kay Maricel, hindi siya magdadalawang isip kung kunin siyang ninang ni Angel at Neil sa nalalapit na kasal nito. "I want Angel and Neil to be happy. They're good friends of mine and I see them naman very sweet. I just want them to be happy, especially Angel. She deserves to be happy," tugon pa niya sa press.

Hangad lang ni Maricel ang kasiyahan nito sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Neil.

"Sinabi ko na sa kanya, 'Sweetheart, there’s nothing like being happy all the time.' It's so hard to maintain happiness, 'yung nandiyan lagi 'yung happiness. Actually, andiyan lang talaga and you just have to, kumbaga sa mga trees, hawiin mo lang andiyan lang siya. Ganyan lang 'yan."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.