Ejay Falcon, naiisip na nga ba ang magpakasal?

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 07:32 PM | Updated as of Nov 18 2019 07:59 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on

MAYNILA -- Sa sunod-sunod na wedding proposal ng mga personalidad sa showbiz, tila hindi pa panahon para sa Kapamilya star na si Ejay Falcon na pag-usapan ang kasalanan para sa kanila ng nobya na si Jana Roxas.

Ayon sa aktor, masaya siya na mas malalim pa nilang nakikila ang isa't isa.

"Napapag-usapan naman po 'yun, pero sabi ko nga wala pa ngayon dahil sobrang busy pa and ayaw ko naman na makiki-uso ako dahil nakikita ko na, uy nag-propose si ganito, si ganyan at ma-pressure ako na bakit ako hindi pa," tugon ni Ejay sa naging panayam ng press.

Ayon kay Ejay, nais niya na maging espesyal ang kanyang proposal.

"Ang proposal kasi para sa akin, sa babae at sa lalake, moment kasi 'yun sa buhay mo na kailangan mong maramdaman na ito na ang time na ito, na kasi kailangan mo nang gawin, hindi 'yung dahil napipilitan ka lang or pressured ka lang," aniya.

Sa ngayon, napapanood si Ejay tuwing hapon bilang si Julius sa "Sandugo."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.