Coco Martin, pinuri ang malaking pagbabago sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2019 06:17 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

MAYNILA -- Hindi napigilan ng aktor na si Coco Martin ang humanga sa malaking pagbabago ng Maynila.

Sa Instagram, ibinahagi ng "Ang Probinsyano" star ang kanyang napansin na mga pagbabago at kaayusan ng lungsod na pinamumunuan ni Mayor Isko Moreno.

"Nakakatuwa sa Maynila. Ang daming ilaw ng mga puno at ang linis linis na! Nakatuwa (kasi) kahit hindi ako taga-Maynila nakikita kong totoong may nangyayari at totoong may pag-asa pa! Proud ako sa 'yo Yorme MABUHAY KA!!!," pahayag ni Coco sa post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Matatandaan na una na rin nagpaabot ng kanyang paghanga si Mayor Isko para sa Kapamilya actor matapos siyang kumbinsihin nito na maging bahagi ng "3pol Trobol: Huli Ka Balbon," na pelikula ni Coco sa 2019 Metro Manila Film Festival.

"I'm grateful to Mr. Coco Martin and the staff. They included me in the movie," pahayag ni Isko sa naging panayam.

Ang pagbabalik pelikula rin ni Isko ang naging paraan para personal na makatulong sa mga batang nangangailangan sa Philippine General Hospital.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.