Aubrey Miles at Troy Montero, ibinahagi ang susi sa matatag na relasyon ngayong pandemya

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2020 12:49 PM

MAYNILA -- Ibinahagi nina Aubrey Miles at Troy Montero ang susi sa mas matatag na relasyon sa kabila nang pagharap sa hamon ng pandemyang COVID-19.

"Ako, especially during this time, I would say communication. You have to have really great communication and respect. Make sure you respect. Kasi once you have the respect, it's very easy to have the other things, 'yung love and everything. Very good communication and respect each other," ani Troy sa panayam nila sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes. 

"Same din 'yung sasabihin ko, 'yung respect niyo sa isa't isa at 'yung respect sa sarili mo. Kasi parang the way na makikita nila na i-respect ka eh kapag sa sarili mo alam nilang 'oh nirerespeto niya ang sarili niya, I have to give that,'" dagdag ni Aubrey.
 
Para sa mag-asawa, mas mapagtuunan nila ng oras ang kanilang mga anak nitong panahon ng lockdown. Ayon kay Aubrey, iba ang saya na nakikita niya at naalagaan ang mga anak.

Disyembre 2018 nang ipinanganak ni Aubrey ang bunso nila ni Troy na si Rocket. 

"Sobrang nag-e-enjoy ako ngayon. Sinabi rin namin na sana ito na 'yung last namin. Ayaw ko na. Parang na-realize namin na ang saya na nung tatlo. Parang tamang-tama na 'yung happiness namin. Then parang walang yaya nag-e-enjoy ako," ani Aubrey.

"Pare-pareho ang love mo, pero iba-iba ang experience mo bawat anak. So siya talaga 'yung, oh my God.Parang feeling ko everyday kahit umiiyak, ang cute naman nito. Kahit nagwawala, ay ang cute. Nag-e-enjoy ka," dagdag ni aktres.

Para kay Troy, kung may magandang naidulot ang pandemya ito ay ang naging mas malapit pa ang kanilang pamilya.

"If there's a bright side to this pandemic and everything, it has given us more time with the family, more bonding moments. Parang more time na when your kids talk to you, hindi siya rush kasi you're not going anywhere. Minsan-minsan lang we go out of the house pero most of our work is online lang. In a way it's given us a chance to bond and become closer, all of us," ani Troy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.